Sunday, December 12, 2010

FOLK SONG

Lolo Jose (Grandfather Jose)

By Coritha

Noong panahong s'ya ay hari
Masigla ang kanyang pagbati
Mahigpit ang hawak ng mga daliri
At ang lakad nama'y matuwid
Mahusay ang kanyang talumpati
Makisig kung siya ay magdamit
Malalim ang kanyang pag-iisip
At lahat ay sa kanya nakatitig


Ngunit ngayong s'ya'y pagod na
Mahina na rin ang katawan
Pinagmamasdan na lamang sa bintana
Ang unti-unting pagdaloy ng ulan

Bridge:
At ang unang tanong sa umaga
Kung ano ang kanyang nagawa
Sa paglipas ng siyamnapung taon
Nang siya'y malakas at bata pa

Chorus:
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit s'ya ngayon ay laos na

Sa piling ng mga alaala
Lagi na lamang nag-iisa
Kahit sulyap, walang maasahan
Sa anak na di man s'ya mapagbigyan

Bridge:
At ang unang tanong sa umaga
Kung mayron pa s'yang magigisnan
Na liwanag sa nalalabing buhay
Ngayon s'ya'y matanda at laos na ...
(Repeat chorus)
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit s'ya ngayon ay laos na

Sa dilim ng kanyang pag-aasam
Maghapon na lang nakabantay
Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga
Nang hindi malimot n'yang nakaraan

At ang diwa ng kahapon di na matagpuan
At ang sinag ng umaga dinaanan ng ulan
At ang hirap ng nasa puso di na mapapantayan
Kung maari lang, maari lang
Pawiin ang dusa ...
(Repeat chorus)

Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit s'ya ngayon ay laos na





http://www.everlastinglove.com/tagalog_songs.htm#Track 12



GLIA CIARAH THERESE A. CABALITAN
BEEd 1A 

1 comment:

  1. This is vey beautiful Song. i love it:)
    this song reminds me about my lolo :) i miss him so much :(
    They give a lesson for everyone.

    ReplyDelete